02 Sep

Sapagkat ang pagtangis ko ay para sayo.
Subalit ang pagtangis mo ay para sa kanya.
Para tayong mga aso't pusang naglalaro,
Habol kita habang habol-habol mo sya.
Hanggang kailan tayo ganito?
Paikot-ikot dito sa mundo.
Sa mundong walang katiyakan ang hangganan,
Sa mundong walang katiyakan ang katapusan.
Sabihin mo sakin kung kailan ako dapat sumuko,
At sasabihin nya sayo kung kailan ka dapat huminto.
Ngunit pag siya ang naunang nagsabi,
Asahan mong nandito lang ako sa iyong tabi.


~Mga Tulang Walang Titulo
Sa oras na alas onse kwarenta'y siete ng tanghali
Ika-2 ng Setyembre taong 2016

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING