Habang ako ay patuloy nang namumulat,
hanggang ngayon ikaw ay bulag pa rin.
Habang sinisimulan ko nang lakbayin ang daan patungo sa pakikibaka,
hanggang ngayon ay hinahatak ka pa rin ng mga baluktot mong hangarin.
Habang unti-unti ng natututo ang aking pagkatao na lumaban,
unti-unti ka ring natututo na ang katotohanan ay hindi na muli pang harapin.
Mahal ko...
Ngayon sabihin mo...
Paanong ang mundo natin ay magtatagpo?
~Mga Tulang Walang Titulo
Sa oras na Alas Nuebe ng Gabi
Ika-15 ng Agosto taong 2016