28 Sep

Sa pagsapit ng gabi,
Payapa akong makakatulog sa iyong tabi...

Sa malamig na panahon,
Malalakas na hanging yumayakap,
Sa pagpatak ng mga tubig sa bubong,
May pag-asa akong natatanaw...

Sa paggising ng maaga,
Upang pumasok sa eskwela...

Ang unang sisilayan,
Ay ang abiso ng alkalde...

"Suspendido na po ang klase".

Mga ngiti ay gumuhit sa mukha...

At payapa na naman akong makakatulog sa iyong tabi...


 ~Mga Tulang Walang Titulo

Ika-28 ng Setyembre taong 2016

Sa oras sa alas singko ng madaling-araw

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING