24 Sep

Sa dami kong gustong ikwento sayo,
Nakalimutan ko na yung iba.

Sa dami ng masasakit na nararamdaman ko ngayon,
Naging manhid na 'tong puso ko.

Sa dami ng luha kong bumagsak at umagos,
Natuyo na ang mata ko at lahat ay naubos.

Sa dami ng mga salitang gustong lumabas sa aking bibig,
Para na kong napipi sa kakahintay.

Ang tagal mo kasing dumating...


~Mga Tulang Walang Titulo
Ika-24 ng Setyembre taong 2016
Sa oras na alas nuebe at tres ng gabi

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING