20 Sep

Kailan pagtatagpuin ng tadhana ang ating panahon?

Kaibigan kita sa isip at puso,
ngunit estranghero sa oras at layo...

Batid kong iba na ang mundo natin ngayon,
Mundong walang katiyakan ang bawat pagtugon.
Mundong hindi sasapat ang pagsambit lamang ng 'oo'.
Mundong ang bawat kilos mo ay dapat nakaayon.

Mundong ibang-iba sa kinagisnan nating mundo...


~Mga Tulang Walang Titulo
Ika-20 ng Setyembre taong 2016
Sa Oras na alas nuebe ng Gabi

Comments
* The email will not be published on the website.
I BUILT MY SITE FOR FREE USING